Wednesday, July 30, 2014

Kawawang pangulo!

Katatapos lamang ng ika-limang SONA ng pangulong Noynoy Aquino Kabi-kabila ang mga puna at batikos sa kanya.  May mga nagsasabing hindi sila kuntento sa performance ng pangulo, may mga nagsasabing dinaan na lang ni PNoy sa “acting” ang pagtatakip nya sa pagkadismaya ng mga tao sa kanyang pamumuno.  Ngunit para sa kin, pasintabi sa iba diyan, ito lang ang masasabi ko:

Mahirap mamuno ng isang bansa, ako nga isang maliit na private school lamang ang pinamumunuan ko, nahirapan din ako lalo na noong unang taon ko sa pagiging principal.  Napaka hirap bakbakin ng mga nakagawian na ng mga guro, studyante at mismong mga parents para isulong ang aking mga nais na pagbabago para sa school.  Napakahirap alisin ang “katamaran” at pagiging tradisyunal ng mga teachers sa kanilang pagtuturo.  Napakahirap din namang pasunurin ang mga magulang sa bagong patakan na ipinapanukala ng namumuno.  Napaka hirap talaga maisulong ang pagbabago, lalo na kung ang mga dinatnan mong mga tao ay hirap umalis sa kaning mga comfort zones at talaga naming ayaw na sa iyo sa simula’t simula pa man.

Ganun din ang nangyari kay PNoy, napakarami nyang plataporma para sa bayan, subalit, may mga tauhan sa gobyerno, lalo na ang mga dinatnan na niya ang hindi sumusunod.  And I say, hindi talaga sila susunod dahil una pa man, ayaw na nila kay PNoy, napilitan na lamang sila sa kanilang mga trabaho dahil “permanent” ang posisyon nila sa gobyerno.  RESULTA: napakabagal ng progreso ng pagbabago.  Hindi naman sila pwedeng ipatanggal agad agad ni PNoy dahil may security of tenure sila at tiyak na kakampihan ng DOLE o CHR kung papaalisin sila sa tungkulin dahil sa kanilang inefficiency or insubordination.  Pero pupunahin naman ng taong bayan ang mabagal na pagsulong ng mga proyekto ng gobyerno, nang hindi tinitignan ang mga government employees na papetiks petiks lang sa kanilang mga opisina.  Napakahirap para kay PNoy na isulong ang pagbabago dahil sa ilan sa kanyang mga gabinete, “napipilitan’ lang naman syang sundin dahil sa pagkapit sa posisyon, wala talaga sa loob nila ang sumunod.  RESULTA: napapabayaang trabaho na nagiging dahilan ng mabagal na pag unlad ng bayan. 

Napakahirap para kay PNoy na pasunurin ang mga taong ang tanging nais ay kontrahin sya.  Aba sige nga, ikaw ang pangulo, paano mo mapapasunod ang mga taong walang alam gawin kundi hanapin ang mali ng pangulo?  Paano mo mapapasunod ang mga taong ang hinihintay ay magkamali ka para maibato ang sisi sa iyo?  Paano mo mapapasunod ang mga taong may pansariling interes na kapag sinunod ka ay mangangahulugan na mawawala ang kanilang mga “racket o sideline”?

Nakaka siguro akong ginagawa ng pangulo ang lahat para mapaunlad ang ating bayan, subalit napakahirap humanap ng mga taong talagang tapat na magsusulong ng kanyang mga adhikain para sa ating lahat.  Napakahirap masiguro na ang lahat ng mga naisin niya ay nasusunod dahil aminin natin at sa hindi, madami pa ding tao sa gobyerno na buwitre na pag kaharap ang pangulo feeling masipag pero pag talikod ng pangulo feeling boss na walang nang dapat gawin.

Naiintindihan ko ang pangulo, dahil minsan din akong nahirapan magpasunod ng isang buong school community.  Muntik na akong sumuko kundi lamang sa aking pinanghahawakang salita ng Panginoon na may plano Siya sa akin (Jer. 29:11).  Wala akong ginawa kundi ang kumunsulta sa Kanya salita, patuloy na ipinaglaban ang pagsawata sa kasamaan at gawa ng kadiliman tulad ng katamaran, di pagsunod, pagiging makasaili at inggit.  Unti-unti, naipaglaban ko ang aking adhikain.  Nakita ko ang pag ayon ng pagkakataon sa akin.  Nakakabilib pa nga ang pangulo dahil hindi sya sumusuko sa kabila ng kapal ng maling gawi ng mga Pilipino na dapat niyang bakbakin.  Dahil jan, napapabayaan na niya ang kaniyang sariling kalusugan, ipupusta ko, mas lumakas ang paninigarilyo ng pangulo.  Wala naman kasi siyang magagawa kundi mag isip ng mga dapat niyang gawin.  Pero may nag tanong bas a kanya na kumaen ka na ba po Mr. President?  Or may nagsabi ba naman sa kaniya ng ‘matatapos din po iyan, dasal lang po.”? Meron ba?  Mas madami diyan tiyak, mamasamain pa ang malabis na paninigarilyo niya kahit hindi nalalaman ang dahilan kung bakit.  AKo nga, 592 students lang meron ako sa school, 45 staff at 1184 parents pero minsan masuka suka ako sa stress lalo kung mabigat ang kinakaharap ko, minsan hindi ako makakaen kasi ang mga trabaho ng mga “pasaway’ kong staff, ako na gumagawa, umusad lang ang trabaho at huwag mabinbin.  Kaya naman, pumapasok sa isip ko, gaano kadaming sama ng pakiramdam na kaya ang pinipilit kayanin ng pangulo masiguro lamang na uusad ang maghapon ng mga Pilipino?

Isa lamang ang susi para umunlad tayo.  Hindi ang pangulo, kundi tayong mga Pilipino!  Matuto tayong sumunod.  Hindi yung, pinapanukala pa lamang, andami na nating batikos, hindi pa nga natin sinusubukan, sinusukuan na natin.  Kahit sino pa ang maging pangulo natin ay baliwala kung hindi tayo matututong sumunod.  Igalang natin an gating mga pangulo, dahil sinabi ng Diyos sa aklat ng Roma 13:1-3 na “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. 2Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. 3Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:” 
Mas pagpapalain ang ating bayan kung ang sinumang maluluklok sa atin ay ating igagalang at susundin.  Subalit kahit na anong galling ng pangulo na mailuklok kung mas marami pa din sa ating mga kababayan ang imbes na sumunod ay puro pagpapahirap at pagpapatagal sa pagpatupad ng adhikain ang gagawin ay wala ring magyayari sa ating bansa. Lahat ng iluluklok ay ipapatanggal natin via “impeachment” na para na lamang natin ginagawang panakot sa pangulo, ay kawawa naman ang ating pangulo.  Anong dignidad ang gusto nating ipakita ng ating pangulo sa ibang bansa kung mismong mga kababayan niya ay binabastos siya at binabalewala?

May pag asa pa ang Pilipinas!  Ipagpatuloy natin ang paglaban sa korupsyon sa pamamagitan ng pagsunod natin sa mga utos ng nakatataas sa atin. Maging open nawa ang ating mga isip na tanggapin ng maluwag ang naluklok na pinuno at makiisa sa kanyang mga adhikain dahil wala naming pangulo na nagnanais na mas maging mahirap ang kanyang bansa.  Pagtuunan nawa natin ng pansin ang mabubuting nagagawa at tulungan ang gobyerno na maitama ang mali sa pamamagitan ng forum at hindi ng mga rally.  Sabi nga sa isang patalastas noon “wala namang hindi nalulutas ang mabuting usapan” diba?  At higit sa lahat, mas maging madasalin tayo, ipanalangin natin ang ating pangulo na biyayaan siya ng karunungan na nagmumula sa Panginoon upang mas mapamahalaan niya tayo ng may takot sa Diyos at naayon sa Salitang Diyos.  Ipagdasal natin na magkaroon tayo ng masunuring puso upang matutong sumunod.  Ilagay natin sa sentro ng ating mga buhay ang Panginoon at totoong totoo, maibabalik natin ang dating ningnging ng Pilipinas, Makakabangon tayo ang muli sa ating kahirapan.  Huwang nating gawng kawawa ang pangulo sa ating mga pagsuway, sapagkat sa isang pagsuway natin, samu’t sari ang magiging resulta nito na ang karamihan ay patungo sa pagbagsak ng ating bayan.  Sabi nga ni Don Shula "the inferior man blames others; the superior man blames himself."  Pakita nating superior tayo, bago tayo manisi ng iba, tignan muna naten ang partisipasyon natin kung baket hindi pa din umuunlad at wala pa ding pagbabago ang Pilipinas.


No comments:

Post a Comment