Katatapos
lamang ng ika-limang SONA ng pangulong Noynoy Aquino Kabi-kabila ang mga puna
at batikos sa kanya. May mga nagsasabing
hindi sila kuntento sa performance ng pangulo, may mga nagsasabing dinaan na lang
ni PNoy sa “acting” ang pagtatakip nya sa pagkadismaya ng mga tao sa kanyang
pamumuno. Ngunit para sa kin, pasintabi
sa iba diyan, ito lang ang masasabi ko:
Mahirap
mamuno ng isang bansa, ako nga isang maliit na private school lamang ang pinamumunuan
ko, nahirapan din ako lalo na noong unang taon ko sa pagiging principal. Napaka hirap bakbakin ng mga nakagawian na ng
mga guro, studyante at mismong mga parents para isulong ang aking mga nais na
pagbabago para sa school. Napakahirap alisin
ang “katamaran” at pagiging tradisyunal ng mga teachers sa kanilang
pagtuturo. Napakahirap din namang pasunurin
ang mga magulang sa bagong patakan na ipinapanukala ng namumuno. Napaka hirap talaga maisulong ang pagbabago,
lalo na kung ang mga dinatnan mong mga tao ay hirap umalis sa kaning mga
comfort zones at talaga naming ayaw na sa iyo sa simula’t simula pa man.
Ganun
din ang nangyari kay PNoy, napakarami nyang plataporma para sa bayan, subalit,
may mga tauhan sa gobyerno, lalo na ang mga dinatnan na niya ang hindi sumusunod. And I say, hindi talaga sila susunod dahil
una pa man, ayaw na nila kay PNoy, napilitan na lamang sila sa kanilang mga
trabaho dahil “permanent” ang posisyon nila sa gobyerno. RESULTA: napakabagal ng progreso ng
pagbabago. Hindi naman sila pwedeng
ipatanggal agad agad ni PNoy dahil may security of tenure sila at tiyak na
kakampihan ng DOLE o CHR kung papaalisin sila sa tungkulin dahil sa kanilang inefficiency
or insubordination. Pero pupunahin naman
ng taong bayan ang mabagal na pagsulong ng mga proyekto ng gobyerno, nang hindi
tinitignan ang mga government employees na papetiks petiks lang sa kanilang mga
opisina. Napakahirap para kay PNoy na
isulong ang pagbabago dahil sa ilan sa kanyang mga gabinete, “napipilitan’ lang
naman syang sundin dahil sa pagkapit sa posisyon, wala talaga sa loob nila ang
sumunod. RESULTA: napapabayaang trabaho
na nagiging dahilan ng mabagal na pag unlad ng bayan.
Napakahirap
para kay PNoy na pasunurin ang mga taong ang tanging nais ay kontrahin
sya. Aba sige nga, ikaw ang pangulo,
paano mo mapapasunod ang mga taong walang alam gawin kundi hanapin ang mali ng
pangulo? Paano mo mapapasunod ang mga
taong ang hinihintay ay magkamali ka para maibato ang sisi sa iyo? Paano mo mapapasunod ang mga taong may
pansariling interes na kapag sinunod ka ay mangangahulugan na mawawala ang
kanilang mga “racket o sideline”?
Nakaka
siguro akong ginagawa ng pangulo ang lahat para mapaunlad ang ating bayan,
subalit napakahirap humanap ng mga taong talagang tapat na magsusulong ng
kanyang mga adhikain para sa ating lahat.
Napakahirap masiguro na ang lahat ng mga naisin niya ay nasusunod dahil
aminin natin at sa hindi, madami pa ding tao sa gobyerno na buwitre na pag
kaharap ang pangulo feeling masipag pero pag talikod ng pangulo feeling boss na
walang nang dapat gawin.
Naiintindihan
ko ang pangulo, dahil minsan din akong nahirapan magpasunod ng isang buong
school community. Muntik na akong sumuko
kundi lamang sa aking pinanghahawakang salita ng Panginoon na may plano Siya sa
akin (Jer. 29:11). Wala akong ginawa
kundi ang kumunsulta sa Kanya salita, patuloy na ipinaglaban ang pagsawata sa
kasamaan at gawa ng kadiliman tulad ng katamaran, di pagsunod, pagiging
makasaili at inggit. Unti-unti,
naipaglaban ko ang aking adhikain. Nakita
ko ang pag ayon ng pagkakataon sa akin.
Nakakabilib pa nga ang pangulo dahil hindi sya sumusuko sa kabila ng
kapal ng maling gawi ng mga Pilipino na dapat niyang bakbakin. Dahil jan, napapabayaan na niya ang kaniyang
sariling kalusugan, ipupusta ko, mas lumakas ang paninigarilyo ng pangulo. Wala naman kasi siyang magagawa kundi mag
isip ng mga dapat niyang gawin. Pero may
nag tanong bas a kanya na kumaen ka na ba po Mr. President? Or may nagsabi ba naman sa kaniya ng ‘matatapos
din po iyan, dasal lang po.”? Meron ba? Mas
madami diyan tiyak, mamasamain pa ang malabis na paninigarilyo niya kahit hindi
nalalaman ang dahilan kung bakit. AKo
nga, 592 students lang meron ako sa school, 45 staff at 1184 parents pero
minsan masuka suka ako sa stress lalo kung mabigat ang kinakaharap ko, minsan
hindi ako makakaen kasi ang mga trabaho ng mga “pasaway’ kong staff, ako na
gumagawa, umusad lang ang trabaho at huwag mabinbin. Kaya naman, pumapasok sa isip ko, gaano
kadaming sama ng pakiramdam na kaya ang pinipilit kayanin ng pangulo masiguro
lamang na uusad ang maghapon ng mga Pilipino?
Isa
lamang ang susi para umunlad tayo. Hindi
ang pangulo, kundi tayong mga Pilipino! Matuto
tayong sumunod. Hindi yung, pinapanukala
pa lamang, andami na nating batikos, hindi pa nga natin sinusubukan, sinusukuan
na natin. Kahit sino pa ang maging
pangulo natin ay baliwala kung hindi tayo matututong sumunod. Igalang natin an gating mga pangulo, dahil
sinabi ng Diyos sa aklat ng Roma 13:1-3 na “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't
walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y
hinirang ng Dios. 2Kaya nga't ang
sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga
nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. 3Sapagka't ang mga
pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang
mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka
ng kapurihan sa kaniya:”
Mas pagpapalain ang ating bayan kung ang sinumang maluluklok sa atin
ay ating igagalang at susundin. Subalit
kahit na anong galling ng pangulo na mailuklok kung mas marami pa din sa ating mga
kababayan ang imbes na sumunod ay puro pagpapahirap at pagpapatagal sa
pagpatupad ng adhikain ang gagawin ay wala ring magyayari sa ating bansa. Lahat
ng iluluklok ay ipapatanggal natin via “impeachment” na para na lamang natin
ginagawang panakot sa pangulo, ay kawawa naman ang ating pangulo. Anong dignidad ang gusto nating ipakita ng ating
pangulo sa ibang bansa kung mismong mga kababayan niya ay binabastos siya at
binabalewala?
May pag asa pa ang Pilipinas! Ipagpatuloy
natin ang paglaban sa korupsyon sa pamamagitan ng pagsunod natin sa mga utos ng
nakatataas sa atin. Maging open nawa ang ating mga isip na tanggapin ng maluwag
ang naluklok na pinuno at makiisa sa kanyang mga adhikain dahil wala naming pangulo
na nagnanais na mas maging mahirap ang kanyang bansa. Pagtuunan nawa natin ng pansin ang mabubuting
nagagawa at tulungan ang gobyerno na maitama ang mali sa pamamagitan ng forum
at hindi ng mga rally. Sabi nga sa isang
patalastas noon “wala namang hindi nalulutas ang mabuting usapan” diba? At higit sa lahat, mas maging madasalin tayo,
ipanalangin natin ang ating pangulo na biyayaan siya ng karunungan na nagmumula
sa Panginoon upang mas mapamahalaan niya tayo ng may takot sa Diyos at naayon
sa Salitang Diyos. Ipagdasal natin na
magkaroon tayo ng masunuring puso upang matutong sumunod. Ilagay natin sa sentro ng ating mga buhay ang
Panginoon at totoong totoo, maibabalik natin ang dating ningnging ng Pilipinas,
Makakabangon tayo ang muli sa ating kahirapan.
Huwang nating gawng kawawa ang pangulo sa ating mga pagsuway, sapagkat
sa isang pagsuway natin, samu’t sari ang magiging resulta nito na ang karamihan
ay patungo sa pagbagsak ng ating bayan. Sabi nga ni Don Shula
"the inferior man blames others; the superior man blames himself."
Pakita nating superior tayo, bago tayo manisi ng iba, tignan muna naten
ang partisipasyon natin kung baket hindi pa din umuunlad at wala pa ding pagbabago
ang Pilipinas.